|
Empanada ng Ilocos Norte :)
|
Isa lamang ito sa nalalaman kong sikat na pagkain. Ang Empanada ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga turista. Matatagpuan ito sa Ilocos Norte partikular sa Batac, Ilocos Norte. Ang Batac Empanada ay isa sa tinaguriang pinaka masarap na empanada sa buong Pilipinas kung kaya’t nagsagawa ng festival na nagbibigay pansin sa pagkaing ito. Binubuo ito ng kinayas na papaya, longganisa, itlog, at monggo. Niluluto ito gamit ang giniling na bigas.Kung paano lutuin ang Empanada ilagay ang papaya, longganisa, itlog at monggo sa giniling na bigas.Lagyan ng mantika ang kawali pagkatapos ilagay na ang Empanada. Pagkatapos ihanda ito sa malinis na papel.